Friday, March 20, 2009

Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisaya
La Paz, Lungsod ng Iloilo





Bilang Bahagi ng Pangangailangan para sa kursong LIT 101 
(Literatura ng Iba’t-ibang Rehiyon sa Pilipinas)

ni:
Robert Zeus N. Vidal





Marso, 2009





Baler

I. Panimula

Lead actors: 
Anne Curtis
Jericho Rosales
Screen Names:
Feliza Reyes
Celso Resurrecion
Names:
Anne Curtis
Jericho Rosales
Genre, taon:
Drama / Romance / War
2008

II. Pagbubuod

Ang anak ng isang rebelde ay nakikipag-ibigan sa isang mestizo na sundalo na nalilingkuran sa mga kalaban ng mga rebeldeng Pilipino na mga Espaῆol. Ang dalawa ay nakikipagsapalaran na panatiliing buhay ang kanilang pagibig laban sa politika, pamilya at sa gyera na nagaganap sa pagitan ng dalawang panig.



III. Pagsusuri

 Banghay

I. Bago naganap ang labanan
a. Ang sekretong pagkikita nina Feliza at Celso.
i. Inalok si Feliza ni Celso na magtanan at magkita sa lugar na palagi nilang pinupuntahan.
b. Ang pakikipagsanib-pwersa ng itay ni Feliza at Gabriel sa mga ibang sundalo na ayaw sa mga kastila upang dumami ang kanilang bilang.
c. Lumisan ang mga tao dahil sa labanan na mangyayari.
i. Ang pagtakas ni Gabriel patungo sa simbahan.
ii. Ang hindi pagsipot ni Feliza sa pakikipagtanan kay Celso.
d. Ang paghahanda ng mga kastila sa magaganap na labanan.
i. Ginawa nilang kampo ang simbahan at nagipon sila ng pagkain at at mga sandata dito.
II. Ang labanan
a. Umatake ang mga Pilipino sa mga Kastila.
b. Pumunta ang mga kastila sa simbahan kung saan naroroon din si Gabriel.
c. Ang pagpapanatili ng mga kastila sa labas ng simbahan hanggang sa maubusan ng pagkain ang mga kastila at isuko nila si Gabriel.
d. Ang pagsuko ng mga kastila kay Gabriel.
e. Ang paglalaban.
f. Ang pagkaayos ng mga kastila at Pilipino pagkatapos ng labanan.
g. Ang pagsasama muli nina Feliza at Celso.\


 Acting
Para sa akin, angkop ang mga artistang kanilang pinaganap sa mga tauhan dahil wala naming problema sa kanilang pagaarte. Ang kanilang mga kilos at mga ekspresyon ng mukha ay bumabagay naman sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan at sa samdaming dapat nilang masunod.

 Directing
Sa direksyon ni Mark Meily na sa tingin ko ay isang napakagaling na director. Napakaganda ng pagkaayos ng director sa pelikula. Ito’y angkop talaga sa mga kilos na marahil ay ginagawa ng mga tao noon.

 Production Design
Ang pelikulang Baler ay kasali sa Metro manila Film Festival at ito ay nanalo ng best picture at nanlo din ang mga artistang kabilang dito.

  -Kasuotan- napakamakatotohanan, parang ganun talaga ang mga suot ng mga tao dati sa panahon ng mga Kastila.
 Damit ng mga Pilipina at kanilang saya.
 Kasuotan ng lalaki na parang luma.
 Mga uniporme ng mga sundalong Kastila.
 Mga uniporme ng mga sundalong Pilipino.
 Kasuotan ng pari.

-Props- angkop sa sitwasyon at mga pangyayari.
 Mga sandata ng mga Kastila.
 Mga lumang kagamitan ng mga Pilipino at kastila.


-Choice of location- perpekto lamang sa kanilang pelikulang ginawa. 
Parang ibinabalik nito ang mga manunood sa nakaraan.

• Musical Scoring
1. Angkop ba ang musika sa takda ng pangyayari?
Oo, kapag medyo malumanay pa ang siwasyon ganun din ang musika o kahit medyo romantiko o mabagsik ang mga sitwasyon at eksena ay sinusunod lang nito ng musika.

2. Nakadagdag ba ang musika sa kabisahan at kagandahan ng pelikula?
Oo, dahil parang ipinapamahagi ng musika ang damdamin na nasa pelikula.

3. Angkop ba ang musika sa kultura ng bansang kinauugnayan ng pelikula?
Oo, dahil ang mga uri ng musikang kanilang itinutugtog ay mga Filipino Classical.

III. Relevance ng Pelikula

Ang pelikula ay tumutukoy sa giyera na nganap noong panahon ng mga kastila. Ang pelikula ay may relasyon sa mga Pilipino dahil ito ang pinakahuling aksyon na naganap sa pagitan ng mga kastila at Pilipino. Naganap ang labanang ito kahit ang laban sa pagitan ng mga kastila at Pilipino ay dineklarang tapos na.

3 comments:

  1. ano po ba ung sinematografi ng pelikulang baler?

    ReplyDelete
  2. nu rin po ba yung buod ng baler pati sino po ung mga tauhan? tnxx.

    ReplyDelete
  3. pati po pala yung mensahe nung pelikula pati ung aral po! salamat.

    ReplyDelete