Saturday, July 25, 2009

The Media in The American Occupation in the Philippines

West Visayas State University
COLLEGE OF MASS COMMUNICATIONS
La Paz, Iloilo City


PHILIPPINE PRESS AND SOCIETY

(JRN 202)


HISTORY OF THE PHILIPPINE MASS COMMUNICATION

AMERICAN OCCUPATION


I. Newspapers

Thomas Gowan- established the first English language daily in the Philippines in 1898.
Manila Times- the 1st English language daily in the Philippines.
Alejandro Roces Sr.-1st newspaper chain owner in the Phil. He bought the Manila Times in 1927.
Manila Bulletin- the oldest existing newspaper in the Philippines.
Carson Taylor- Founded the Manila bulletin in 1912 and included news of general interest.
Hans Menzi- bought the manila Bulletin in 1957.
Philippines Herald- the 1st pro-Filipino newspaper that was published in 1920.
Carlos P. Romulo- one of the main editors f Philippines Herald.

 II. Movies

- 3 periods of the Filipino film history: Period of Silent Pictures (1897-1929), Talking Pictures Period (1929-1970) and Period of the New Cinema (1971-present)
-3 stages of the 1st Period: Dominance of Documentary Film, Rise of Feature Film and Establishment of Filipino Film Companies.
Documentary Film- began on January 1, 1897.
Rise of Feature Film- started in 1912.
Jose and Jesus Nepomuceno- Founded the Malayan movies.
-3 stages of the 2nd period: Rise of the big Commercial Film Companies, Achievement of Technological Expertise and Commercialization of Filipino Film.
George P. Musser- produced the first Filipino talking picture “Aswang”.
Rise of the star system- rise of the genre movies.
Decades of the 50’s- Golden age of Filipino film.
Lino Brocka- (February, 1983) – organized the first free-the-artist, free-the-media rally.

III. Radio

Henry Hermann- an American, he set up the first Philippine radio station.
J. Amado Araneta- bought KZRM and KZEG from their American owners.
KZND- a government station.
1942- radio stations were closed, except for KZRH, which used by Japanese for broadcast.
1947- Pass another act stipulating that stations change their first call letters from “K” to “D”.
DZ (Luzon-based radio stations), DY (Visayas-based radio stations), DX- (Mindanao-based radio stations).

IV. Newspaper Chains

Joaquin “Chino” & Ramon- inherited and expanded his Mass Media Empire.
TVT (1916) - Taliba-Vanguardia-Tribune. Taliba- Tagalog daily, La Vanguardia- a Spanish daily.
Romulo- pirated from the Herald, first editor of tribune.
Philippine Magazine- 1st publication to be called a magazine. 
Chain Magazines- Started by Ramon Roces.  
Philippine free Press (1907) - by Robert McCullough Dick (1908), built its reputation on its fearless crusades against government corruption and it became a staunch Nationalist.
World War II- the Philippine media was closed.
Liwayway- only pre-war publications allowed publishing during the Japanese occupation (1942-1945).

V. Advertising

“Annuncios”(Public Announcements) - posted by merchants to announce goods for sale.
Frank J. Herrier- “Napoleon of Philippine Advertising”.
Manuel Buenaventura- first Filipino to handle advertising accounts.
Edmund Bullis (1921) - set up and managed the Philippine Publicity Service, Inc.,
Jean Bisson- introduced the use of illustrations in advertisements. 
Antonio Lagos- had won over an American competition.
Pedro E. Teodoro- “dean of Philippine Advertising Practitioners”.
San Miguel Corporations (1896) - the first to use slogans in their advertisements.
1930s- Started the use of radio as an advertising medium.
Commercial advertising Agency (1945)-founded by Gene Hubilia.
1950s- Advertising for television started.
1960s- Nationalism took over the advertising field.
Martial Law- ushered an era of uncertainty and 5000 business firms closed down.
Marcos’ fall- transformed the era of pessimism and uncertainty to optimism. 

Friday, March 20, 2009

Buod ng kwento ni mabuti at buod ng uhaw na tigang na lupa

Buod ng Kuwento ni Mabuti 
ni Genoveva D. Edrosa

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na problema sa pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay nagsimula sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang hindi kalalimang bagay ‘di gaya ng sa kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng nasabi, sinabi rin nitong siya ay iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila ay naging malapit. Ang suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at asawa. Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging guro, madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong ito’y naging “kwento ni Mabuti”.

   
  Buod ng Uhaw na Tigang na lupa
ni Liwayway Arceo

Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito. 
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan. 
Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisaya
La Paz, Lungsod ng Iloilo





Bilang Bahagi ng Pangangailangan para sa kursong LIT 101 
(Literatura ng Iba’t-ibang Rehiyon sa Pilipinas)

ni:
Robert Zeus N. Vidal





Marso, 2009





Baler

I. Panimula

Lead actors: 
Anne Curtis
Jericho Rosales
Screen Names:
Feliza Reyes
Celso Resurrecion
Names:
Anne Curtis
Jericho Rosales
Genre, taon:
Drama / Romance / War
2008

II. Pagbubuod

Ang anak ng isang rebelde ay nakikipag-ibigan sa isang mestizo na sundalo na nalilingkuran sa mga kalaban ng mga rebeldeng Pilipino na mga Espaß┐ćol. Ang dalawa ay nakikipagsapalaran na panatiliing buhay ang kanilang pagibig laban sa politika, pamilya at sa gyera na nagaganap sa pagitan ng dalawang panig.



III. Pagsusuri

 Banghay

I. Bago naganap ang labanan
a. Ang sekretong pagkikita nina Feliza at Celso.
i. Inalok si Feliza ni Celso na magtanan at magkita sa lugar na palagi nilang pinupuntahan.
b. Ang pakikipagsanib-pwersa ng itay ni Feliza at Gabriel sa mga ibang sundalo na ayaw sa mga kastila upang dumami ang kanilang bilang.
c. Lumisan ang mga tao dahil sa labanan na mangyayari.
i. Ang pagtakas ni Gabriel patungo sa simbahan.
ii. Ang hindi pagsipot ni Feliza sa pakikipagtanan kay Celso.
d. Ang paghahanda ng mga kastila sa magaganap na labanan.
i. Ginawa nilang kampo ang simbahan at nagipon sila ng pagkain at at mga sandata dito.
II. Ang labanan
a. Umatake ang mga Pilipino sa mga Kastila.
b. Pumunta ang mga kastila sa simbahan kung saan naroroon din si Gabriel.
c. Ang pagpapanatili ng mga kastila sa labas ng simbahan hanggang sa maubusan ng pagkain ang mga kastila at isuko nila si Gabriel.
d. Ang pagsuko ng mga kastila kay Gabriel.
e. Ang paglalaban.
f. Ang pagkaayos ng mga kastila at Pilipino pagkatapos ng labanan.
g. Ang pagsasama muli nina Feliza at Celso.\


 Acting
Para sa akin, angkop ang mga artistang kanilang pinaganap sa mga tauhan dahil wala naming problema sa kanilang pagaarte. Ang kanilang mga kilos at mga ekspresyon ng mukha ay bumabagay naman sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan at sa samdaming dapat nilang masunod.

 Directing
Sa direksyon ni Mark Meily na sa tingin ko ay isang napakagaling na director. Napakaganda ng pagkaayos ng director sa pelikula. Ito’y angkop talaga sa mga kilos na marahil ay ginagawa ng mga tao noon.

 Production Design
Ang pelikulang Baler ay kasali sa Metro manila Film Festival at ito ay nanalo ng best picture at nanlo din ang mga artistang kabilang dito.

  -Kasuotan- napakamakatotohanan, parang ganun talaga ang mga suot ng mga tao dati sa panahon ng mga Kastila.
 Damit ng mga Pilipina at kanilang saya.
 Kasuotan ng lalaki na parang luma.
 Mga uniporme ng mga sundalong Kastila.
 Mga uniporme ng mga sundalong Pilipino.
 Kasuotan ng pari.

-Props- angkop sa sitwasyon at mga pangyayari.
 Mga sandata ng mga Kastila.
 Mga lumang kagamitan ng mga Pilipino at kastila.


-Choice of location- perpekto lamang sa kanilang pelikulang ginawa. 
Parang ibinabalik nito ang mga manunood sa nakaraan.

• Musical Scoring
1. Angkop ba ang musika sa takda ng pangyayari?
Oo, kapag medyo malumanay pa ang siwasyon ganun din ang musika o kahit medyo romantiko o mabagsik ang mga sitwasyon at eksena ay sinusunod lang nito ng musika.

2. Nakadagdag ba ang musika sa kabisahan at kagandahan ng pelikula?
Oo, dahil parang ipinapamahagi ng musika ang damdamin na nasa pelikula.

3. Angkop ba ang musika sa kultura ng bansang kinauugnayan ng pelikula?
Oo, dahil ang mga uri ng musikang kanilang itinutugtog ay mga Filipino Classical.

III. Relevance ng Pelikula

Ang pelikula ay tumutukoy sa giyera na nganap noong panahon ng mga kastila. Ang pelikula ay may relasyon sa mga Pilipino dahil ito ang pinakahuling aksyon na naganap sa pagitan ng mga kastila at Pilipino. Naganap ang labanang ito kahit ang laban sa pagitan ng mga kastila at Pilipino ay dineklarang tapos na.